Advertisers
NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 1,926 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Linggo, Nobyembre 14.
Batay sa case bulletin #610, umaabot na sa 2,816,980 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang kabuuang bilang, 1.0% na lamang o 28,102 ang aktibong kaso o may potensiyal pang makahawa.
Sa mga active cases naman, 62.3% ang nakakaranas ng mild symptoms, 16.94% ang moderate cases, 10.5% ang severe cases, 5.8% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 4.5% ang kritikal.
Mayroon ding 3,140 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,743,297 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.4% ng total cases.
Mayroon pa rin namang 309 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.
Sa kabuuan, nasa 45, 581 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.62% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)