Advertisers

Advertisers

DUTERTE UMAMIN WALANG PAKI KAY MARCOS: “WALA ‘YAN!”

0 285

Advertisers

HAYAGAN nang sinabi ni Pangulong Rody Duterte na kailanman ay hindi niya suportado sa pagtakbong pangulo si dating Senador Bongbong Marcos.

Sabi pa ng pangulo, respeto lang ang ipinapakita niya kay Marcos noong nakikipag-usap ito sa kanya.

“Manghingi lang ako ng ilang oras lang. Malaman na nila kung sino ang umikot. Hindi ako nagpapaikot. I’m just asking for a few more hours at masasabi ko na kung ano ang talagang totoo. Sa kampanya sabihin ko bakit hindi ako puwedeng magsuporta kay Marcos, ganoon din kay Pacquiao at sa iba pa,” sabi ng pangulo sa panayam ng isang DDS Blogger na si Banat By.



Idiniin ni Duterte na ang susuportahan niya para sunod na pangulo ng bansa ay si Senador Bong Go na nag-substitute sa nagwidrong presidential aspirant na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Sabado.

“Ni minsan wala kayong narinig na mag-Marcos ako. Kailanman hindi ako nagsalita na may susuportahan ako. Si Marcos (at) Pacquiao wala ‘yan!”

Si Sen. Go ay “trusted man” ni Duterte simula pa noong mayor ng Davao City ang pangulo.

Samantala, inaabangan naman ngayon ang pag-file ng Certificate of Candidacy sa pagka-Bise Presidente ni Duterte para running mate ni Go.

Inanunsyo noong Sabado ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na maghahain ngayon ng kandidatura si Pangulong Duterte para sa pagka-Bise Presidente.



Nauna nang nag-file via substitution para Bise Presidente ang anak ni Pres. Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Running mate ito ni Bongbong Marcos.

Kaya kapag natuloy ang pagtakbong Bise ni Pres. Duterte, isa sa makakalaban niya ang kanyang anak.

Ang iba pang kilalang vice presidentiables ay sina Sen. Kiko Pangilinan (running mate ni Vice Pres. Leni Robredo), Senate President Tito Sotto (running mate ni Sen. Ping Lacson), Buhay Partylist Representative at ex-Manila Mayor Lito Atienza (running mate ni Pacquiao), at Dr. Willie Ong (tandem ni Manila Mayor Isko Moreno).