Advertisers
NAKATAKDANG kilalanin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Filipina athlte na nag-ambag ng karangalan sa kani-kanilang sports program sa pamamagitan ng 2021 Gintong Gawad Award.
“Gintong Gawad was crafted and envisioned ostensibly designed to give due recognition to women for their outstanding contributions to grassroots women in sports,” Wika ni PSC Commissioner Celia Kiram, na chairperson rin nang Women in Sports.
“Sport is a platform for fun, fitness, unity, peace, camaraderie, teamwork, and many positive values that are extremely needed in this challenging period of pandemic.”
Nominees ay paglalabanan ang limang categories; Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atleta Modelo ng Isport sa Kumunidad; Kaagapay ng Isport sa Kumunidad (sponsor/benefactor); Natatangi at Makabagong Produktong Pang-Isport; at Proyektong Isport pang Kababaihan.
Isang awardee lang ang magwawagi sa bawat category at tatanggap ng P50,000 at plaque of recognition mula sa PSC.
Ang atleta ay kailangan 21 years old below sa Dec. 31, 2021,at hindi naging bahagi ng national pool kahit na Class A, B, C, Grassroots, Development, at hindi nakatanggap ng allowance mula sa PSC bilang elite athlete, at walang derogatory records sa school or community.
Ang search para sa Gintong Gawad awardees ay magtatapos sa Nov. 30.