Advertisers
NALIBING ng buhay ang limang bata, habang 2 ang sugatan sa gumuhong lupa dulot ng malakas na pag-ulan sa Iligan City nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Shemabel, 7 buwan gulang; Trishamae, 3 anyos; John Kent, 6; Sean, 4; at CJ Barulan, 8.
Sugatan naman sina Sheila Mae Barulan, 26; at Jessie Barulan, 24.
Ayon kay Major Zandrex Panolong, spokesperson ng Iligan City Police Office, 6:00 ng umaga nang maganap ang lanslide sa Purok 2 Taparak, Barangay Mandulog.
Sa report, natutulog ang ang mga biktima nang gumuho ang lupa at matabunan ang kanilang bahay at pito (7) iba pang bahay ang nasira sa landslide.
Naganap ang landslide nang lumambot ang lupa sanhi ng malalakas na pag-ulan.
Patuloy pa ang isinagawang clearing operation ng mga otoridad sa lugar.(MARK OBLEADA)