Advertisers

Advertisers

‘BACK TO WORK’ NA TAYO

0 3

Advertisers

MAAYOS at masayang natapos nitong Linggo, Mayo 3, ang halalan para sa mga bagong opisyal at director ng National Press Club (NPC), ang pambasang samahan ng mga mamamahayag na minsan na rin nating pinamunuan (2016 – 2018; 2020 – 2022) at pinaglingkuran din bilang direktor, kalihim at bise-presidente.

Nagpapasalamat tayo sa ating mga miyembro na bagaman matagal tayong nawala sa “sirkulasyon” ng liderato nito, muli tayong pinagtiwalaan at isa sa mga ibinotong direktor.

Nagpapasalamat din tayo sa ating COMELEC ngayong halalan sa pangunguna ni NPC lifetime member at beteranong mamamahayag na si Boss Catalino ‘Jun’ Alano, sa kanyang maayos na pamamamahala sa ating halalaan ngayong taon.

Sa mga hindi pinalad na manalo, mayroon pa namang ‘next time’ sa 2028 kaya marami pang pagkakataon.

Nagpapasalamat din tayo sa mga kaibigan na tahimik subalit solidong sumuporta sa ating kadidatura kaya “nairaos” natin ang ating kandidatura at nagampananan ang ating obligasyon sa ating mga kasamahan sa Partido, ang ‘Press Freedom Party’ at kay PFP founder, Benny Antiporda, na muling babalik bilang Bise-Presidente upang tulungan ang ating bagong pangulo, si President Mina Navarro.

Sa mga kaibigan na tumulong at patuloy na naniniwala sa atin, hindi ko na kaya kailangang pangalanan subalit umasa kayo, mga ‘igan, na hindi ko kayo bibiguin.

Magbabalik tayo sa pagseserbisyo sa ating mga kabaro sa pamamagitan ng NPC sa panahong sadyang napakaraming pagsubok sa hanay ng media—iba’t-ibang anyo ng panggigipit sa mga ayaw magpasakop sa ‘official version’ ng ano mang istorya, pamamaslang at mga kaso sa ating hanay, paglaganap ng ‘fake news’ at pagbagsak ng ating ekonomiya na hindi na nakaalis sa krisis at pagkaubos ng ating soberenya dahil sa patuloy na epektibiong kontrol ng mga dayuhan sa ating kabuhayan at pulitika.

‘Oh yes, Jose.’ ‘Andaming problema ng media na bahagi lang naman ng mas malaking bilang ng ordinaryong mamamayan.

Magkaganito man, kailangan nating magkaisa at kumilos sa pagsusulong ng ating kolektibong interes bilang isang sektor na kahit paano ay patuloy pa rin namang pinagtitiwalaan at pinaniniwalaan ng ating mga kababayan.

Sabi nga ni Pang. Mina pagkatapos ng eleksyon noong Linggo: “Salamat sa inyo at back to work na po tayo!”