Advertisers
TAPOS na ang laban sa Kongreso. Inaasahan na aaprubahan ng Kapulungan ng Kinatawan ang Articles of Impeachment na naunang pinanday sa Committee on Justice sa pangunguna ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas. Kaagad na isusumite ito sa Senado na buuuin ang sarili bilang hukuman na lilitis.
Naghahanda kahit ang Senado sa paglilitis. Maaari itong magsimula ang paglilitis sa katapusan ng Hunyo. Kasalukuyang inag-uusapan sa Senado ang mga tuntunin na susundin sa paglilitis. Kasama dito ang adoption ng Rules of Court.
Maaaring tumagal ang paglilitis. Kahit ano ang gawin ng kampo ni Misfit Sara, iisa ang takbo ng hatol: guilty of all charges. Sisibakin siya sa puwesto bilang pangalawang pangalawa. Ang pinakamasakit, ipapataw ang habambuhay na disqualification na humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.
Sa maikli, hindi siya makakatakbo bilang pangulo sa 2028. Hindi siya makakasali sa anumang halalan at bawal siyang tumakbo at ihalal kahit barangay captain. Mapipilitan siyang magretiro ng maaga sa pulitika.
Kung minamalas, maaaring sumulong ang sakdal na plunder o pandarambong laban kay Misfit Sara. Kulungan ang kanyang haharapin. Naghabla ng plunder si Sonny Trillanes laban sa Misfit at walang piyan sa sakdal.
May batayan kung bakit ganito ang aming tingin. Lingid sa kaalaman ng marami, simpleng sumenyas si BBM na hindi siya tumututol sa nangyayari kay Misfit. Hindi tulad ng nakaraang taon kung saan tumutol si BBM dahil sa paniniwala na walang kahihinatnan ang naunang impeachment complaint laban kay Misift Sara, hindi kontra si BBM sa pangalawang reklamong impeachment.
Sapat na senyas ito upang tumuloy-tuloy ang pangalawang impeachment complaint. Malinaw ang senyas ni Senate President Tito Sotto na nagtatrabaho ang Senado bilang impeachment court kung sakaling isumite sa kanila ang pangalawang impeachment complaint. Hindi siya tulad ni Tricky Tsis, ang tinanggal na pangulo ng Senado, na nagbigay ng nakalilitong salita upang pigilan ang unang impeachment complaint.
Hindi kami sang-ayon sa mga salita ng mga nagpapanggap na political analysts na mahihirapan ipasa ang Articles of Impeachment sa Senado at hindi hinatulan ng guilty si Misfit. Walang batayan ang ganitong paniniwala dahil hindi nila naiintindihan ang buod at laman ng Articles of Impeachment na isusumite ng Kapulungan sa Senado.
Malinaw ang Articles na batay sa mga opisyal na record lalo na ang SALN ni Misfit Sara at bank transaction record ng AMLC ang mga katibayan na laman ng Articles. Hindi opinyon lang ang ebidensya. Iyan ang bagay na hindi naiintindihan ng mga nagpapanggap na political analyst.
Huwag rin mangamba sa mga senador. Neutralisado ang mga kilalang kakampi ni Misfit Sara. Kasalukuyang nagtatago si Bato dela Rosa. Takot na takot sumunod na makulong dahil nahaharap siya sa sakdal na crimes against humanity sa ICC. Ninenerbiyos si Bong Go na kasama ni Bato sa sakdal sa ICC. May sakdal na plunder si Sonny Trillanes laban kay Bong Go.
Tanong sa ibang senador: Palulusutin ba si Misfit Sara o makukulong? Naiintindihan ito ni Tricky Tsis na maaaring humarap sa plunder charges at ito ang dahilan kung bakit tumahimik ang masatsat na mambabatas. Kung may nakaambang plunder charges kay Tricky Tsis, hindi malayo na ito rin ang sakdal na nakaamba kay Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, ang dalawang mambabatas na kasama umano sa flood control scandal. Tumahimik na rin sila.
Limang senador ang neutralisado sa siyam na pinaniniwalaan na sumusuporta kay Misfit. Matitira sa kanila si Imee “Babs” Marcos, Rodente Marcoleta, Alan Cawatano at Camoteng Robin Padilla. Walang magaling sa grupong ito kahit maingay. Madali silang sawatain sa Senado ng mas matatalino at magagaling na kasapi.
Hindi rin totoo na naimpluwensyahan ng kultong Iglesia Ni Cristo (INC) ang Senado upang palusutin si Misfit. Walang batayan dahil hindi malakas ang INC upang impluwensiyahan ang bansa sa nais na direksyon. Hindi sineseryoso ang INC at pinagtatawanan ito.
Maaaring matapos ang impeachment trial sa pagtatapos ng taong ito. Mas mauuna matapos ito sa paglilitis ng ICC kay Gongdi sa Olanda. Hindi malayo na parehong hahatulan ang mag-ama at tuluyang maglalaho ang Duterte sa Filipinas dahil bilyon-bilyong piso ang pinaniniwalaang kanilang kinulimbat noong nasa poder sila.