Advertisers

Advertisers

PBBM NAG-ALAY NG AMNESTY EXTENSION SA MGA REBELDE

0 6

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. ang Executive Committee (EXECOM) meeting ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kamakailan lamang, kung saan kanyang inihayag ang kanyang pagpayag sa rekomendasyon ng task force na ma-extend pa ng dalawang taong ang amnesty program.

Ito aniya ang magbibigay sa mga rebelde ng pagkakataon na maibalik at mabagong muli ang kanilang mga buhay.

Nanggaling ang mungkahi sa extension ng Amnesty Program sa National Amnesty Commission (NAC) upang maisama pa ang dumaraming bilang ng mga rebelde na nais magbalik-loob sa pamahalaan nang matapos ang programa noong March 13.

Ang mungkahi na iyan ng NAC na ma-extend pa ang amnesty program hanggang sa 2028, ay kailangan ng pag-sangayon ng Congress at napakalaking bagay ang pamumuno ni PBBM sa NTF-ELCAC at sa EXECOM, dahil siya na ang mageendorso nito sa Kamara para mapalawig pa ang programa.

Mayroong 13,647 indibidwal na ang nsg-apply sa programs, at 19 na Communist Party of the Philippines (CPP) members at isang MILF member na ang nabigyan ng amnesty. Libo pa ang inaasahang maproseso sa mga susunod na buwan.

May pondo na din para sa programs ng iyan, kaya naman naeenganyo nito na magsisuko na ang mga rebelde, dahil sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan at naaalayan pa sila sa kanilang pagbabago ng buhay. May ‘kabuhayan showcase’ pa nga, para yun kanilang pinagsisigawang kahirapan ang bunga ng kanilang pagrerebelde ay nabura na sa kanilang mga isipan.

Kasabay na naidiscuss sa EXECOM na yun ang pagdaragdag sa pondo ng Barangay Development Program (BDP) para 2027. Ang BDP ang patunay ng pamahalaan na may malasakit ito sa mga malalayong barangay ng bansa. Yun bang dating pinamamahayan ng mga rebelde, at tinatakot na maki-isa sa kanila dahil sa kahirapan.

Naluma na ang panghihikayat na iyan ng CPP-NPA dahil nga sa BFP, dahil ang mga Barangay na dating pinamumugaran ng mga rebelde at nakakatanggap na ng pondo para sa mga bagay na kanilang mga kailangan.

Sino pa ang mag-rerebelde kung umuunlad na kahit ang malalayong lugar o’ mga barangay. Kaya nga dumadami na ang nag-aapply sa amnesty program. Salamat sa tamang diskarte ni PBBM.