Advertisers
Ni ROMMEl PLACENTE
Kung marami ang natutuwa at kinikilig sa mga sweet photo at video ng rumored couple na sina Ricci Rivero at Juliana Gomez sa social media, may mga nangnenega at nambebengga rin sa kanilang relasyon.
Nakikita namin ang sweetness nina Ricci at Juliana, base sa mga ina-upload na litrato ng mga netizens na kuha sa iba’t ibang pagkakataong naiispatan sila in public places.
Ang latest nga ay ang nang manood si Juliana ng PBA games kung saan naglaban ang Phoenix Super LPG (kung saan kabilang si Ricci) at Converge.
Sa napanood naming video, naispatan si Ricci na lumapit kay Juliana sa audience area after ng game. Sinenyasan niya ang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na magbibihis lang siya.
After a while ay bumalik si Ricci at sinundo si Juliana mula sa kinauupuan nito. Makikitang hinalikan ni Ricci sa noo si Juliana, sabay pinisil sa kamay ang dalaga.
Ilang beses hinalikan ng cager sa noo si Juliana bago sila tuluyang umalis
Samantala, tila hindi naman boto ang ilang netizens kay Ricci para kay Juliana dahil baka matulad lang daw ito sa ex ng cager na si Andrea Brillantes.
Feeling nila hindi raw bagay si Ricci kay Juliana at may lalaking mas higit pa sa basketball player na deserving na maging dyowa niya.
Ang mga netizen talaga sobrang mapanghusga. Sa tingin namin,mahal talaga at hindi lolokohin ni Ricci si Juliana.