Advertisers
Ni Anne Venancio
Aktibo pa rin sa showbiz ang nag-iisang Piolo Pascual sa kabila ng kanyang mahabang karera, sunud-sunod na proyekto, iba’t ibang endorsements, at cover appearance sa Esquire Philippines ngayong taon.
Aminado ang aktor na tanggap na niya ang posibilidad na hindi na siya forever tawaging “Ultimate Heartthrob,” lalo’t papalapit na siya sa edad 50.
“Alam ko na hindi na ito magtatagal. Okey lang sa akin na tawaging ‘Papa P,’ pero kung ‘Ultimate Heartthrob’ pa rin hanggang 50 o 55, parang sobra na,” aniya ni Papa P.
Malaki umano ang appreciation niya sa mga oportunidad na dumarating sa kanya.
“I’m just appreciating it. I’m 50, at nabibigyan pa rin ako ng ganitong oportunidad,” dagdag niya.
Samantala, inamin din ng aktor na minsan na niyang naisipang iwan ang showbiz noong siya ay nasa edad 40 pero hindi lang ito natuloy dahil sa sunud-sunod pa ring proyekto at endorsements na dumating sa kanya.
“Akala ko noon hanggang doon na lang. Pero may mga dumating pang opportunities na nagbigay sa akin ng bagong sigla,” sey pa nito.
Sa kabila ng paglipas ng panahon at pagbabago ng edad, nananatiling isa si Piolo sa pinakaaktibong aktor sa industriya na patuloy na pinapahanga ng kanyang karisma. Patunay ito na ang husay sa showbiz ay hindi nasusukat sa edad, kundi sa dedikasyon sa sining at sipag sa trabaho.