Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Nakaugalian na ng Filipino-American singer at doctor of nursing na si Nick Vera Perez ang maghandog ng shows tuwing darating ang buwan ng Mayo.
Bukod kasi sa espesyal sa kanya ang nasabing petsa, sa buwan ding ito pumapatak ang Mother’s Day.
Mula sa Estados Unidos, kinakarir talaga niyang umuwi ng Pinas para makapag-perform kahit isang beses kada taon.
Ani Nick, gusto raw niyang parangalan ang kanyang ina at maging lahat ng ilaw ng tahanan kaya naman may post-Mother’s day special siya sa Mayo 17, 2026 na gaganapin sa Atrium sa Farmer’s Plaza sa Cubao, Quezon City.
Magbibigay din siya ng special treat sa mga mapipiling mga ina sa nasabing okasyon.
Bahagi rin ng kanyang The Duo-Album Philippine tours ang pagkakaroon ng mall shows sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan.
“I want to honor my mother. I owe everything to her,”pakli niya.
Nagbalik-tanaw din siya sa naging sakripisyo ng kanyang mahal na ina para itaguyod siya.
“I remember I was grade 6 or first year high school then, tapos nagkasakit ako.My mom had only 500 pesos kasi iyong tatay ko di pa nagpapadala. Inubos niya iyong perang iyon para lang bumili ng antibiotic para gumaling ako,”lahad niya. “That time, napaiyak ako. Kaya sabi ko, ‘Balang araw I will take care of you at kahit ano pa iyong hinihiling mo, ibibigay ko o kahit hindi mo pa hinihiling.Kaya, every where she goes, may bonding kami.That is how I wanna honor her,”dugtong niya.
Ito rin daw ang dahilan kaya ang lovelife niya is taking a backseat for the meantime.
“My mom is turning 80 next year.Kaya ko ang lahat but when it comes to my mom or when anything happens, talagang malulumpo ako.So before it happens, I’m preventing it. Inuuna ko na iyong needs niya at mga kailangan though she seldom tells me,” bulalas niya.
Naniniwala naman siyang ang pag-ibig ay dumarating sa tamang panahon.
“I had 3 exes before, but so far, I’m enjoying my single blessedness.Dini-devote ko na lang iyong time ko for my music. But I’m not closing doors naman.I believe everything happens in His perfect time,”paliwanag niya.
Kasama ni Nick na magpe-perform sa kanyang post Mother’s Day special sina Evelyn Francia at Hannah Shayne with the G3 Dancers.
Kasalukuyang nasa bansa ngayon ang award-winning singer na si Dr. Nick Vera Perez para sa kanyang Philippine Promo ng kanyang albums na Unafraid (Gospel 5th) at Dancing in the Ocean (6th).
Magsisimula ang kanyang The Duo Album Philippine Tour 2026 sa Mayo 2 sa isang press conference, Mayo 3 -1-Konek Net25, Mayo 5- D Showbiz Authority DWAN 1206 IBC 13, Mayo 10 -United Evangelical Church at KCC Mall De Zamboanga, Mayo 15-Letters and Music Net 25, Mayo 16- Xentro Mall Antipolo, Mayo 17- Farmers Plaza, Araneta City, Mayo 18- Charity Walk: DSWD, Mayo 19- John Lennon Show 95.5 FM – Net 25, Mayo 20- Abante with WEJ at Music Box Bar, Mayo 21- Spectroom Bar, Mayo 22- Sta Lucia East Mall Mayo 23- Abante Showbiz Pulis at Bar 58 at sa Mayo 24- Xentro Mall Montalban at Wrap Up Dinner.