Advertisers
Ni Anne Venancio
Ipinakita ni Jak Roberto ang kanyang husay sa billiards sa isang video habang nagre-relax kasama ang mga kaibigan.
Sa kanyang social media post, makikitang mahusay niyang naisagawa ang isang shot na ikinatuwa ng aktor. Kalakip nito ang caption na “Kala mo talaga!”
Matatandaang naging bahagi si Jak ng sports drama series na Bolera kung saan nakasama niya si Kylie Padilla.
Muli ring magsasama ang dalawa sa paparating na action series na Firewall, kasama sina Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, at Buboy Villar.
Bilang paghahanda, sumailalim ang cast sa training para sa practical at tactical shooting, pati na rin self-defense, upang mas maihanda sila sa kanilang mga role sa serye.
Inaasahang mapapanood ang “Firewall” sa GMA Network sa mga susunod na buwan.