Advertisers
ISA na namang dating mataas na opisyal ng gobierno na sinipa noon ni dating Pangulo Rody “Digong” Duterte ang pinawalang-sala ng Korte Suprema.
Ito’y si dating overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, na sinibak ni Duterte matapos kumpirmahin ng una ang authenticity ng bank transactions na ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes taon 2018.
Sa 28-pahinang desisyon na pinirmahan ni Associate Justice Maria Folimena Singh, pinagtibay ng 3rd Division ng Kataas-taasang Hukuman ang naging ruling ng Court of Appeals, na nagdeklarang iligal ang pag-alis sa serbisyo kay Carandang, sinabing ito’y pag-atake sa ‘principles of checks and balances’.
Si Carandang ay sinibak ni Duterte noong 2018 matapos isiwalat ang bank records ng mga Duterte na naglalaman ng bilyon-bilyong salapi.
Ang noo’y Ombudsman na si Conchita Carpio-Morales ay nag-inhibit sa paghawak sa kaso ni Duterte dahil sa kanyang relasyon by affinity sa anak ni Digong na si ngayo’y Vice President Sara Duterte-Carpio.
Pamangkin ni Conchita ang mister ni Sara na si Atty. Manases “Mans” Carpio.
Si Carandang ang tumayo at nagdesisyon sa reklamo na isinampa ni Trillanes noong 2016, kungsaan inakusahan ng huli si Duterte ng malversation, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, plunder, at unexplained wealth.
“To ensure the enduring existense and effectiveness of the Offce of the Ombudsman , thr Constitution expressly labeled it as independent,” sabi ng Korte Suprema.
Sabi pa ng Korte, si Carandang ay karapat-dapat tumanggap ng lahat ng kanyang retirement benefits pagkatapos ng kanyang termino, at makuha ang kanyang mga suweldo simula nang siya’y masuspinde at maalis sa serbisyo.
Kamakailan ay kinumpirma rin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga ibinunyag ni Trillanes hinggil sa naturang bank transactions ng mga Duterte.
Sinabi ng AMLC, tama ang lahat ng isiniwalat ni Trillanes tungkol sa bank history ng mag-aamang Duterte pati ang sa mister ni VP Sara.
Ayon kay Trillanes, ang bilyones na pera ng mga Duterte sa bangko ay galing sa drug lords at mga iligal na POGO.
Ang bilyones na ito ng mga Duterte ay hindi nakalagay sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), isang paglabag sa ating Saligang Batas.
Nang maupo na presidente si Bongbong Marcos at magkaroon sila ng away ng mga Duterte, naglayasan ang mga Chinese national na umano’y drug lords at dikit kay Duterte, at ang mga POGO na talaga namang namayagpag noong termino ni Digong.
Balikan natin si Carandang, isa lang siya sa mga winalanghiya ni Digong. Ang iba pa ay sina dating Senador ngayo’y Congresswoman Liela de Lima, Trillanes, at ilang alkalde na ginawan niya ng mga tahi-tahing kaso para maalis sa kapangarihan.
Ganyan kawalanghiya si Digong, na kinarma narin! – nakakulong ngayon sa ICC sa The Hague Nethlerlands sa kasong ‘Crimes against humanity, na isinampa nina Trillanes.