Advertisers

Advertisers

Minors sa Tacloban school shooting maaaring panagutin sa batas

0 1

Advertisers

NANINIWALA si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na maaari paring managot sa batas ang mga menor de edad na nasa edad 15 hanggang wala pang 18 anyos .
Ito’y kung mapatutuna-yang alam nilang mali ang kanilang ginawa at nauunawaan nila ang magiging kahihinatnan nito.
Ito ang ipinahayag ng kalihim kasabay ng katiyakang mahigpit nilang susundin ang ‘Juvenile Justice and Welfare Act’ sa paghawak sa kaso ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, Leyte.
Aniya, ilalagay sa Bahay Pag-asa o youth rehabilitation center ang mga sangkot na menor de edad para sa kaukulang intervention program.
Samantala, nagbigay na ang DSWD ng mahigit P100 libong ayuda sa siyam na nasugatan at tig-P10 libo sa tatlong pamilyang naulila.
Nagkaloob din ang ahensya ng psychosocial support sa mga estudyante at magulang na naapektuhan ng insidente.