Advertisers

Advertisers

Integridad mas pinili ni PAO Chief kaysa kapangyarihan

0 7

Advertisers

Integridad mas pinili ni PAO Chief kaysa kapangyarihan

Karaniwan na sa mga pinuno ng ahensya ng pamahalaan ang makipag-agawan sa mas malaking pondo para sa kanilang tanggapan lalo na kapag milyon hanggang bilyon piso ang halaga ng pinag-uusapan para sa isang proyekto.

Bakit kaya? Ano ang mayroon sa pondo at maraming pinuno ang nakikipag-agawan? Ano pa nga ba? Kickback, yes kickback con saya ngayon, pero sa huli kapag nabuko ay iyakan blues at turuan blues na. Hehehehe iyan ang pangkaraniwan nangyayari ngayon sa pamahalaan. Nakikialam sa pondo para sa SOP “Save Our Pocket”.

Pero kakaiba itong si Public Attorney’s Office (PAO) Chief, Atty. Persida Acosta. Siya’y isang pinuno ngunit nagpamalas ng isang masterclass sa integridad ng burukrasya.

Sadyang tinanggihan ni PAO Chief na hawakan o ng kanyang ahensya ang multi-milyong pisong pondo para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng PAO.

Hindi nakialam sa pondo ang babaeng abogado at sa halip ay hinayaan ang Department of Budget and Management (DBM) na direktang i-download ang pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang ipinamalas ni Acosta ay isang bagay na napakabihira sa serbisyo publiko, kung baga ay kusa niyang inalis, inilayo at iniligtas ang kaniyang tanggapan sa perang maaaring pagmulan ng tukso, upang maprotektahan ito laban sa korapsyon.

Ang magandang halimbawa ni PAO Chief, ay isang kahanga-hanga at nakagiginhawang uri ng pamumuno na nagpapatunay na ang pangunahing pokus ng PAO ay nananatili sa misyon nito —ang ipagtanggol ang mahihirap, hindi ang mamahala ng pondo sa konstruksyon.

Ang pambihirang pamumuno na ito ay hindi lamang makikita sa mga salita kundi sa gawa. Nitong Hunyo 22, 2026, personal na pinangunahan ni Acosta, kasama ang kaniyang mga tauhan ang inspeksyon sa ongoing construction ng bagong pasilidad sa National Government Center sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Hindi ininda ng PAO Chief ang panganib nang sumakay pa ito sa isang skeleton elevator upang marating ang tuktok ng hindi pa tapos na gusali, patunay ng kaniyang determinasyon na masigurong magiging ligtas at maayos ang bagong tahanan ng mga nangangailangan ng libreng serbisyong legal.

Para sa inyong kaalaman my dear beloved Filipinos, ito palang proyekto – paggawa ng gusali o bagong opisina ng PAO ay naantala dahil sa pandemya pero ngayon upang tuluyang maisakatuparan – buong-puso ang pasasalamat ni Acosta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bakit? Binigyan- prayoridad ng Pangulo ang para sa badyet ng konstruksyon. Salamat po Pangulo. At nagpapasalamat din si Acosta kay Senate President Sherwin Gatchalian na nag-infuse ng P280 milyong pondo para sa Phase 5 ng proyekto noong siya pa ang pinuno ng Senate Committee on Appropriations.

Ang pagtutulungang ito ng ehekutibo at lehislatibo, sa ilalim ng mapagbantay na mata ni Acosta, ay naglalayong tapusin ang modernong gusali sa Hunyo 2027. Sa target na petsang ito, makakalipat na ang PAO mula sa masikip nilang opisina sa NIA Road tungo sa isang mas malaki, mas ligtas, at mas accessible na pasilidad na kayang tumanggap ng mahigit 1,000 kliyente araw-araw.