Advertisers
Nanawagan ang grupo ng mga magsasaka kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na agad resolbahin ang mga kaso ng land disputes ng mga lupang agraryo ng mga sakahan sa mga rural development organization.
Sinabi ni Magsasaka Party-list Chairperson Argel Cabatbat hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin kino-convened ni Pangulong Marcos ang Presidential Agrarian Reform Council (PARC) ang PARC ay ang highest policy making at coordinating body ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Nabatid na ginawa ni Cabatbat ang pahayag sa 38th anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Law (Republic Act No. 6657) at nanawagan sa Punong Ehekutibo sa agarang pagresolba ng mga kaso ng mga lupang agararyo na may mga usapin.
Bukod kay Cabatbat nanawagan rin si Federation of Free Farmers (FFF) Board Chairperson Leonardo Montemayor na dapat kagyat na resolbahin ang pamamahagi ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa may 500,000 hectares ng private agricultural lands na binigyang ng notices of compulsory acquisition ng Department of Agrarian Reform (DAR) nitong June 2014.
Kaugnay nito sinabi din ng dalawang lider magsasaka na dapat bigyan ng kagyat na solusyon ng pamahalaan ang pagresolba sa daan daang kritikal na kaso ng agararian at land disputes na nakakaapekto sa libo libong rural workers sa buong bansa.
Hiniling din nila ang pagsasailalim sa 2 millions hectares ng public lands, government reservations at natitira pang private agricultural lands na dapat mapasailalim sa agrarian reform.
Sinabi pa ni Cabatbat at Montemayor na dapat bigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatupad sa condonation ng land amortization debts ng may 600,000 ARBs sa ilalim ng New Agrarian Emancpation Act (R.A. No. 11953) noong July 2023.
Sinabi pa ni Cabatbat na dismayado ang mga magsasaka sa umano’y mabagal na pamamahagi ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng kasalukuyang administrasyon sa mga magsasakang walang lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa bansa.(Boy Celario)