Advertisers
UMABOT na sa apat katao ang nasawi at 22 na ang sugatan sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, ayon sa Philippine Red Cross (PRC).
Ito ay nang pumanaw ang isa pang estudyanteng grabeng nasugatan habang ginagamot sa ospital.
Samantala, 7:00 ng gabi ng Lunes, Hunyo 22, iniulat ng PRC na 15 iba pang estud-yante ang patuloy na ginagamot sa mga ospital dahil sa mga tinamong sugat.
Kabilang dito ang Tacloban City Hospital, Leyte Provincial Hospital, Eastern Visayas Medical Center, at ACE Medical Center Tacloban.
Nagtamo ng sugat ang mga indibidwal dahil natamaan ng bala, nahimatay, nahulog, at nakaranas ng hysteria o ma-tinding takot.
Tiniyak din nito na magpapatuloy ito sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at pagbibigay ng tulong sa mga nakaligtas at sa mga pa-milyang naulila dahil sa trahedya.
Nangyari ang insidente umaga ng Lunes sa loob ng paaralan, kungsaan dalawang menor de edad ang naaresto at aabot sa 40 basyo ng bala ang narekober ng pulisya mula sa 9mm Glock pistol at .38 caliber revolver na dala ng mga salarin.