Advertisers
Manila, Philippines – Nahalal bilang bagong pangulo ng National Press Club of the Philippines si Mina Navarro ng Abante sa katatapos na NPC Biennial Election nitong linggo May 3, 2026 sa makasaysayang gusali ng NPC sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila.
Natalo ni Navarro ang kanyang katunggali na si Junex Doronio, ng Saksi Ngayon, sa botong 249-26.
Kabilang din sa mga nahalal na opisyal sina bise presidente Benny Antiporda, publisher/columnist ng Remate; secretary Boying Abasola, ng Philippine News Agency; treasurer Jeane Lacorte, Abante at auditor Lydia Bueno, editor-in-chief ng Remate.
Sa mga direktor, nangunguna si Jojo Sicat ng DZRJ pumapangalawa si Aya Yupangco, ng DWIZ; Alvin Murcia, Daily Tribune; Madelynne Dominguez.Abante, Jun Mendoza, The Philippine Star, Paul Guttierez, Police Files Tonite, Irwin Corpuz, Police Files Tonite, Dennis Napule, Remate, Vito Marcelo, Manila Standard at Niño Aclan, Hataw.
Agad namang iprinoklama ng Election Committee ng NPC sa pangunguna ni Jun Alano, chairman; Vicky Cervales, vice chairman, Joseph Muego, member, at Angelo Almonte, member ang mga nanalong opisyal.
Sa isang panayam, sinabi ni Navarro na magtrabaho na dahil ang pagiging pangulo ng naturang samahan ay pinaghalong responsibilidad at pribihehiyo. Binanggit din nya sa mga miyembro ng NPC namay mga nag-aaral na anak ang scholarship program ng institusyon.
Si Navarro, ay matagal ng mamamahayag at nagsilbi din bilang ingat yaman ng NPC. (RONALD BULA/KAREN GRAMPIL)