Advertisers

Advertisers

Leon ng Karera!

0 2

Advertisers

Dati siyang executive ng isang kumpanya ng sapatos.

Nang manalo ng isang milyon sa karera ay nakabili siya ng sariling kabayo kay Coach Yeng Guiao.

Ngayon siya na ang pinuno ng Philippine Racong Commission, ang ahensya ng gobyerno na namamahala ng horseracing sa bansa.

Una ay isa lang siya sa mga Commissioner hanggang naitalaga siyang Chairman ng Philracom..

Espesyal na panauhin natin si Reli de Leon noong isang linggo sa OKS@DWBL.

Naibida ni Reli ang mga reporma at mga positibong nangyayari sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“Napalaki natin ang kita ng ahensya na nasa P1B na, at napaunlad mga buhay ng mga hinete at mga sota,” kwento ni de Leon.

” Sa darating na mga taon magiging atraksyon na ng turismo ang dalawa nating karerahan , ” dagdag ng Tagapangulo.

Ayon sa kanya ay apat na beses na kasi karera kada linggo at talagang world-class ang mga karerahan natin lalo yung sa Padre Garcia sa Batangas.

Pinakamalaking premyo pa rin ang PCSO Presidential Gold Cup tuwing Disyembre na aabot ng P15M ang total prizez..

In- demand na rin sa abroad mga jockey at mga tagapag- alaga ng kabayo. Nagbibigay ang tanggapan nila ng certification upang mapadali ang kanilang employment sa ibayong-dagat na malaki sahod.

Bukod sa usapang karera ay napunta rin ang paksa sa matalik niyang kaibigan na si Robert Jaworski. Abangan yan sa susunod nating pitak.

***

Nanghihinayang tayo sa Pacquiao – Elorde Awards na nasa ikatlong taon na..

Maganda sana konsepto nguni’t naligaw ng tinatahak na landas.

Mula sa pamagat hanggang sa mga nais nilang parangalan ay may mali. Kailangan ng malalim na soul- searching ng mga organizer.

Ano ba talaga gusto nila? DI ba kilalanin ang mga magagaling na boksingero at iba sa larangang ito? Puwes, palitan ang titulo at isentro na lang ito sa laro nina Muhammad Ali.

Malamang dakila orihinal na hangarin noong una na pagkalooban ng parangal ang mga magagaling nating prizefighter. Pero sa paglipas ng panahon ay nahaluan na ng mga personal agenda.

Bakit kailangan deretso sa apelyido ng hinahangaan nating idolo na mga boxer? Maaari naman The Flash Awards ah. Pagkatapos inilapit kay Manny Pacquiao para marahil sa dagdag na pondo. Kaso buhay pa ang pambansang kamao.

Dyahe isali sa taguri ang name na Pacquiao. Ayon sa ulat ay Oscars ito ng mga nasa ibabaw ng ring at iba pang sport.”

Sana mas maigi Manny Pacquiao Foundation presents Gawad Flash Boxing Awards.

Klaro at disimulado. Si Gabriel ” Flash Elorde ang bida at kinikilalang gold standard. Saka malinaw din na si pambansang kamao ang pangunahing tagapagtaguyod.

Nawa’y mag- focus na lamang sa game nina Floyd Mayweathet Jr. Imbitahan mga ibang sikat bilang mga presentor at emcee.

Kailangan bukod sa boxer of the year, may manager, trainer at promoter din ng taon. Saka rookie, amateur at babae na mga kategorya. Dagdag din mga taga-media tulad ng columnist, reporter, content creator at commentator/ announcer. Pati reperi rin.

Higit na nakatutok sa sport, mas mainam.

Umaasa rin tayo na may kuning marketing at creative team na tutulong kina Manny at ang mga Elorde para sa ikaapat na edisyon sa 2027.