Advertisers
KUMPIYANSA ang Philippine National Police (PNP) na mahuhuli ng mga awtoridad ang negosyanteng si Atong Ang at dating kong-resistang si Zaldy Co.
Ayon kay PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., sa isang ambush interview nitong Lunes, pa-tuloy na sinusundan ng mga awtoridad ang mga lead habang isinasagawa ang kaukulang operational plans at inter-agency coordination.
“So far, we don’t have a significant update, but our personnel are working based on documented information and established procedures to ensure our operations are in order,” ani Nartatez.
“May corresponding operational plan iyan, at pa0tuloy na tinututukan ng ating mga team. Soon, mahuhuli din natin sila,” dagdag pa niya.
Nahaharap si Ang at iba pang sangkot sa ilang warrant of arrest kaugnay ng kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng mga nawawalang sabungero.
May inilabas na ring ‘red notice’ ang Interpol laban kay Ang noong Abril, habang may alok na P20 milyong pabuya para sa anumang impormasyong magreresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Nahaharap naman si Co sa maanomalyang P289 milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Noong Abril 16, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nadetine si Co sa Prague, matapos harangin sa German border, ngunit napaulat kalaunan na wala na ito sa kustodiya ng Czech authorities at posibleng nasa France.
Sa huling ulat, namataan umano si Co sa Paris kungsaan ito nag-aaplay ng asylum.