Advertisers
TILA naaapektuhan na ng kanyang katandaan ang pag-iisip ng dating gobernador ng Ilocos Sur, Luis “Manong Chavit” Singson.
Oo! Nitong mga huling buwan at araw kasi ay napapansin ng publiko at maging ng mga taong malalapit sa kanya, na tila madalas siyang nagsasalita at nakikialam sa iba;t-ibang isyu na halata namang hindi sapat ang kanyang kaalaman at wala siyang resibo. Mismo!
Katulad ng nangyari sa isang TV interview kamakailan kungsaan naimbitahan si Manong Chavit bilang panauhin para talakayin ang isyu sa flood control.
Marami ang nagulat nang bigla niyang nabanggit ang paksa tungkol sa Small Town Lottery (STL) sa kanilang lalawigan na wala naman kaugnayan sa kanilang tinatalakay na usa-pin. Hehe…
Pero bilang pagrespeto narin sa kanya bilang nakatatanda ay pinayagan siyang magsalita ng mga host tungkol sa reklamo niya, na aniya’y binawi ng gobyerno ang operasyon ng STL sa Ilocos Sur mula sa kanilang grupo.
At isinisi pa niya ang nangyari kay First Lady Liza Marcos na aniya ay nakikialam sa operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang ahensiya na nagbibigay at maaari ring bumawi sa lisensya para mag-operate ng STL sa isang lugar.
Halatang-halata na may personal na galit si Manong Chavit kay First Lady, at gusto lang niya itong sisihin sa pangyayari kahit wala siyang resibo.
Sa totoo ay hindi nakikialam si First Lady sa operasyon ng PCSO. Mismo!
Alam naman ng lahat na si GM Mel Robles ang nagpa-patakbo sa PCSO at katuwang niya rito si Board Chairman retired Judge Felix Reyes. Yes!
At dahil nga sa maayos nilang trabaho ay napakarami ng awards at recognitions ang natatanggap ng ahensiya mula sa iba’t-ibang private at public agencies.
Anyway… napapag-usapan narin lang ang resibo, bakit ba nakikialam si Manong Chavit sa operasyon ng STL sa Ilocos Sur ganung hindi naman siya kasama sa mga bumubuo ng Authorized Agent Corporation (AAC) na S Grande?
Base sa mga dokumento, ang S Grande ay binubuo nina Felicisimo D. Artajos (Chairman), Herminio R. Libao (President), Maria Elena C. Arce (Treasurer), Gilberto J. Ramos (Corporate Secretary) at Miguel R. Reboldela.
Sino kaya ngayon ang dummy? Si Manong Chavit ba or ang officers on record? Either way, bawal sa batas at IRR ng PCSO ang dummies.
At kung sasabihin ni Chavit na sa kanya ang S Grande, bakit naman niya binabanatan kaliwat-kanan ang gobyerno?
Prebilihiyo ang pagbibigay ng STL license, at dahil ang gobyerno ang kausap niya rito ay may kaakibat itong mga responsibilidad na naaayon sa mga umiiral na batas.
Ang problema kay Manong Chavit ay pakiramdam niya siya ang hari sa Ilocos Sur kaya naman nagpuputok ang tambutso niya kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Pwe!
STL palang ang pinag-uusapan natin dito ha?, paano pa kaya kung ang allocation ng tobacco excise taxes na balita natin ay umaabot sa bilyon-bilyong piso ang halaga?
Pero balik tayo sa isyu ng STL, maliwanag na sablay si Chavit sa pag-akusa kay First Lady hinggil sa pagbawi ng lisensya ng STL operation sa kanilang lalawigan. Mismo!
Idagdag pa natin na wala siyang papel sa STL sa lalawigan base narin sa resibo na nakalap natin.
Kaya dapat maging aral ito sa kanya, na sa susunod na mag-akusa siya at tumuligsa ay tiyakin niya na may hawak siyang resibo para patunayan ito. Period!