Advertisers
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mahalagang aktibidad, kasama sina Vice Mayor Chi Atienza, Manila Health Department Director Dr. Grace Padilla, at Manila North Cemetery Director Daniel C. Tan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan, patuloy na isinusulong ang mga programang makatutulong sa mas maagap na pagtugon sa mga usaping pangkalusugan at sa pagpapanatili ng ligtas at malusog na komunidad.
Sinimulan ang buwan ng Setyembre sa isang makabuluhang hakbang para sa kalusugan ng mga Manileño. Isinagawa sa Manila North Cemetery ang inauguration ng Manila Entomological Research Laboratory, isang pasilidad na nakatuon sa pananaliksik, surveillance, innovation at vector control bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan ng Lungsod ng Maynila. (BONG SON)

