Advertisers

Advertisers

MAYOR OLIVAREZ IPINAG-UTOS ANG PAGPAPATAYO NG DRAINAGE SA MGA FLOOD-PRONE AREA SA PARAÑAQUE

0 5

Advertisers

Ipinag-utos ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez ang pagtatayo ng drainage system sa isang compound flood-prone area kung saan ang mga residente ay madalas na humaharap sa tubig-baha tuwing bumubuhos ang malakas na ulan sa lungsod.

Inatasan na ni Olivarez ang City Engineering Office na simulan agad ang trabaho sa drainage project sa Pascual Compound matapos makumpirma sa isinagawang inspeksyon kung saan maaaring ikonekta ang isang tubo para magsilbi sa compound.

Sinabi ng alkalde na ang pagsusuri sa site ay nakumpleto na maging ang koneksyon ay natukoy, sa kabilang compound na isang private property.

Sinabi ng punong lungsod na ginagawa na ang koordinasyon sa may-ari ng bahay kung saan ilalagay ang drainage connection para mapadali ang proyekto.

Kinumpirma ang isinagawang inspeksyon ng siphoning operation ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa compound noong Lunes ng umaga, Agosto 31.

Isinagawa ang siphoning operation upang agad na maalis ang mga nakabara at naipong tubig baha sa lugar dulot ng patuloy na pag-ulan na dala ng habagat.

Bago ang operasyon, binigyan ng pamahalaang lungsod ang mga residente ng pump na magagamit nila sa pag-alis ng tubig-baha mula sa nasabing compound.

Gayunman, iginiit ni Olivarez na ang pumping at siphoning operations ay pansamantalang hakbang lamang, habang ang planong drainage system ay naglalayong magbigay ng pangmatagalang solusyon sa paulit-ulit na problema sa pagbaha.

Binibigyang-diin ang mga hakbang ng pagsisikap ng pamahalaang lungsod na tugunan ang mga lugar na madaling bahain hindi lamang sa pamamagitan ng pag-aalis ng tubig kundi ang pangmatagalang sulusyon.

NASIRANG RIPRAP AT DALUYAN NG TUBIG SINURI NI MAYOR OLIVAREZ

Samantala, personal na binisita ni Mayor Olivarez ang isinagawang creek cleanup at clearing operations ng mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Area 5 ng United Parañaque Subdivision 5, Brgy. San Isidro, Parañaque.

Sa pagbisita ng alkalde, nakita niya ang kumpol ng basura na nakahambalang sa creek, malapit sa 11th Street.

Kaya nanawagan si Olivarez sa mga residente na huwag magtapon ng basura sa alinman na mga daluyan ng tubig dahil isa ito sa mga sanhi ng pagbaha.

Kasalukuyan ng inaalis ng CENRO ang puno na natumba sa creek, at kinausap na rin ni Mayor Olivarez ang mga lokal na lider tungkol sa maaaring gawin sa isang bahagi ng riprap na nasira.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com