Advertisers

Advertisers

‘Trilyon’ nang pondo sa flood control sa Pampanga dapat nang kalkalin

0 8

Advertisers

NANG maging presidente ng siyam na taon (2001 – 2010) si Gloria Macapagal-Arroyo (GMA), binuhusan niya ng bilyon bilyong pondo ang infras sa kanyang lalawigan partikular sa kanyang bayang tinubuang Lubao.

Nang maging senador ng 6 years si GMA, ang bilyones niyang pork barrel ay ibinuhos n’ya rin sa mga infra sa Pampanga.

Nang maging kongresista si GMA sa loob ng 13 years, at naging house speaker sa termino ni Digong Duterte, binuhusan niya uli ng pondo ang flood control projects sa Pampanga partikular sa kanyang distrito ng Lubao.

Anyare? Bakit lumubog parin ngayon sa baha ang higit 300 barangays sa Pampanga partikular kungsaan nila ibinuhos kuno ang trilyones nilang pondo na panangga sa baha?

Pero hindi lang si GMA ang dapat silipin dito ng Ombudsman, imbestigahan din ang provincial government na pinaghaharian ng mag-inang Pineda (“Nanay” Lilia at Dennis “Delta”) sa matagal nang panahon, mula 2010 hanggang sa kasalukuyan. Nagpapalitan lang sila ng kanyang anak (Dennis) sa governor at vice governor.

Ang Pineda ang pangalawa sa pinakamayaman sa buong Pampanga. Una, si GMA. Batid ng lahat ito sa Pampanga.

Kunsabagay hindi lang naman sa politika naging bilyonarya ang Pineda ng Pampanga. Kilalang gambling lord ang mister ni Lilia na si Bong.

Balikan natin ang malawakang pagbaha sa Pampanga, dapat din itong paimbestigahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, hindi yung Bulacan at Mindoro lang.

Bukod kina GMA, Pineda, dapat ding paimbestigahan ni PBBM ang mga kongresista sa Pampanga na nagkaroon ng bilyones na pondo sa flood control pero lumulubog parin sa baha ang probinsiya.

Ang Pampanga, isang 1st income-class province, ay mayroong mahigit 2.5 milyong populasyon base sa 2024 census.

Ang isang 1st class-income province ay may P5.6 billion budget kada taon.

Kung inilagay siguro sa tama ang mga pinagsamang pondo nang maging kongresista, senador at presidente si GMA, at ang mga pondo sa flood control ng ibang mambabatas sa Pampanga plus ang pondo ng provincial, palagay ko walang makakapasok na baha sa mga barangay ng lalawigan? Malamang hindi lulubog ang Macabebe, San Simon, Mexico, Guagua, at ilan pang mga bayan dito?

Say n’yo, mga Kabalen?

Teka, bakit hindi n’yo subukan ng mga bagong lider ang inyong bayan at lalawigan. Tutal wala naring nangyayari sa napakatagal nang pamumuno nina GMA, Pineda, at iba pa.

Just do it, Kabalen!!!