Advertisers

Advertisers

Travel restrictions sa mga batang ‘di pa bakunado pag-uusapan ng Metro mayors

0 191

Advertisers

PAG-UUSAPAN ng mga Metro Mayors kung dapat magpatupad ng travel restrictions sa mga bata na hindi pa bakunado.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nabanggit sa kanya ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na naalarma ang mga Metro Mayors matapos lumabas ang balita na nagpositibo sa covid-19 ang isang 2-taong gulang na bata na umano’y nagpunta lang sa shopping mall.

“We have to confirm also with pediatric experts. Nasa authority naman ng LGUs (local government units) na mag-impose ng restrictions kung kinakailangan,” dagdag pa ng kalihim



Sa ngayon ay masyado pa umanong maaga na bumuo ng konklusyon subalit kailangan ng pag-aralan upang makita kung nararapat na limitahan ang paglabas ng mga bata na wala pang bakuna.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi makakaapekto sa alert level system 2 ang kaso ng bata na nagkaroon ng covid. (Jonah Mallari)