Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,547 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Nobyembre 15.
Samantala ay mayroon namang naitalang 2,601 na gumaling at 128 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (27,025) ang aktibong kaso, 97.4% (2,745,777) na ang gumaling, at 1.62% (45,709) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 13, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na nai-test at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)