Advertisers

Advertisers

Duterte nag-file ng Senador, ‘di Vice President

0 304

Advertisers

DESIDIDO na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo bilang senador sa 2022 elections.

Sa huling araw ng substitution nitong Lunes, isinumite ni Duterte sa pamamagitan ng kanyang representative na si Atty. Melchor Aranas ang kanyang certificate of candidacy (COC) kung saan tatakbo siya sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Papalitan ng pangulo ang unang naghain ng COC sa ilalim ng PDDS na si Mona Liza Visorde.



Saad ni PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag, pinili ni Duterte ang PDDS imbes na PDP-Laban dahil na rin sa dalawang paksyon ng partido.

“The PDP Laban – PDDS Alliance is further strengthened by President Duterte’s decision to file his COC for Senator. PDP Laban fully supports President Duterte. Him using the PDDS CONA is a strategic decision,” pahayag ni Matibag sa isang viber message. (Josephine Patricio)