Advertisers
TODAS ang suspek sa pagtutulak ng iligal na droga nang “manlaban” sa buy-bust operation sa Nabua, Camarines Sur nitong Lunes.
Kinilala ang napatay na si Bienvenido Dinsing Jr., kinokonsiderang high-value priority target at miyembro ng big-time drug syndicate sa lalawigan.
Isinagawa ang operasyon 3:00 ng madaling araw kungsaan tumanggap si Dinsing ng P450,000 marked money para sa 150 gramong shabu.
Sinabing nanlaban ang suspek kaya ito nasawi.
Nakuha rin sa suspek ang 9mm pistol, ilang basyo ng bala, black Toyota Vios, at ilang identification cards.
Narekober din kay Dinsing ang 1,150 gramio ng shabu na katumbas ng P7,800,000.00. (Mark Obleada)