Advertisers
ITINAAS ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ang pabuyang P2 milyon para sa makapagtuturo sa salarin ng kagawad ng Barangay Carmen at tauhan nito noong Huwebes.
Sa kanyang statement nitong Lunes, kinondena ni Moreno ang pagpatay sa kagawad na si Roland Sherwin ‘Tawe’ Uy at tauhan nitong si Samuel Pabalan.
Si Uy ay anak ni Cagayan de Oro Representative Rolando Uy.
Ayon sa pangunahing testigo na si Rubie Alayuay, driver ni Uy, nasa banyo siya nang makarinig ng ilang putok ng baril, na sinundan ng pag-andar ng isang motorsiklo.
Paglabas umano niya ay lumantad ang katawan nina Uy at Pabalan na parehong may tama ng baril sa mata.