Advertisers
SINABI nitong Martes ng bagong Philippine National Police (PNP) Chief na si Dionardo Carlos na magsasagawa ang pulisya ng pag-rebyu sa ibinasurang drug case laban kay Julian Ongpin, anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin.
Lunes nang ibasura ng regional trial court (RTC) sa La Union ang nasabing kaso laban kay Ongpin sa kabiguan umano ng mga awtoridad na sumunod sa pagproseso ng mga ebidensya.
Sa kaso ni Ongpin, sinabi ng korte na hindi agad namarkahan ang mga drogang nakumpiska sa hostel na tinutuluyan nina Ongpin at ang nasawing girlfriend nito na si Bree Jonson.
“If the investigator or evidence custodian failed to follow the procedure, then we’ll make him responsible. We’ll make him answer for the mistake,” pahay ng PNP Chief.
Sa depensa ng Scene of the Crime Operatives na sumuri sa hostel, hindi sila pumunta doon dahil sa drug case kundi para siyasatin ang pagkakasawi ni Jonson, kaya naman prinoseso nila ang nakumpiskang puting substance kung may koneksyon ito sa pagkakasawi ng artist.
“We continue to cooperate in the prosecution until a final verdict of a court is given so if the case or cases are dismissed, we again review why these cases and make sure that we learn from the mistakes,” dagdag ng bagong PNP Chief.
Matatandaang nadiskubre ang 12.6 gramo ng cocaine sa hostel na tinuluyan nina Ongpin at Jonson.