Advertisers

Advertisers

Bong Go kay Mayor Sara: “We always wish her well”

0 232

Advertisers

ITO ang pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go patungkol sa kandidatura ng Presidential daughter na si Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Go na tulad ng una niyang pahayag, kung siya ang masusunod ay susuportahan niya sa pagka-bise Presidente si Mayor Sara.

Una nang sinabi ni Go na kaya nga kahit desidido siya sa kanyang Vice Presidential bid ay umakyat siya sa Presidential bid para hindi sila magkabanggaan ni Mayor Inday.



Binigyang-diin ni Go na ito ay dahil mahal niya si Pangulong Rodrigo Duterte at ang pamilya nito.

Samantala, sinabi ni Go na bilang administration party, palagi silang nagsisikap na mag-reachout sa mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte. (Mylene Alfonso)