Advertisers
NAGSIMULA na ang ilang local government units na bumuo ng ordinansa na magbabawal sa mga bata na may edad 11-anyos pababa na pumasok sa mga mall at iba pang public establishments.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, kinausap na ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga LGU chief upang pag-aralan ang bagay na ito.
Ito ay matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magbaba ng ordinansa ang mga LGUs na ipagbawal ang mga bata na nasa edad 11-anyos pababa na pumasok sa mga mall bunsod na rin ng napaulat na 2-anyos na bata na tinamaan ng covid-19 matapos mamasyal sa mall.
Bumuo na rin ng technical working group ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang rebyuhin ang polisiya.
Samantala, ilang metro mayors ang nagpahayag na nais nila na magkaroon ng unified guidelines sa Metro Manila. (Jonah Mallari)