Advertisers

Advertisers

Isa pang DQ vs BBM inihain sa Comelec

0 474

Advertisers

PERSONAL na dumulog sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules ang isa pang grupo ng mga biktima ng Martial Law para ihain ang petition na i-disqualify ang kandidatura ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

Ayon sa ulat, si Bonifacio Ilagan na siyang abogado ni Satur Ocampo, sampu ng iba pang mga biktima ng martial law, ang naghain ng panibagong disqualification petition.

Inirereklamo umano ng mga nag-petisyon ang legalidad ng kandidatura ni Marcos lalo’t nilabag umano nito ang Internal Revenue Code sa ‘di paghain ng income tax return mula 1982-1984.



Ayon pa sa grupo, noong 1995 ay na-convict sa korte si Marcos para sa naturang kaso, na siyang nagbabawal dapat sa kanya na tumakbo sa alinmang pwesto sa pamahalaan.

Nabatid na ito ang huling disqualification petition na isinampa laban kay Marcos, na siyang nangunguna ngayon sa pinaka-latest na presidential survey. (Josephine Patricio)