Advertisers
PORMAL nang inanunsyo ng kampo nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanilang pag-tandem sa 2022 elections.
Kapwa naglabas ang dalawa ng kanilang pahayag para kumpirmahin ang nasabing tandem sa halalan.
Ayon sa kampo ng dating senador na tila natawid na nila ang proseso ng tambalang inaasam ng kanilang mga supporters para sa BBM-SARA sa 2022.
Naglabas naman ng video ang Davao City mayor at sinabing nakipag-alyansa ang kanilang partido at humingi ng suporta kay Marcos matapos ang tanggapin nito ang hamon ng mga suporta.
Inamin din ni Davao City mayor na tinanggihan ng ruling party na PDP-Laban ang planong pag-alyansa niya kay Marcos.
Ito ang unang pagkakataon na inamin ni Mayor Sara ang kanilang tandem sa May 9, 2022 elections mula nang maghain ito ng kandidatura sa ilalim ng Lakas-CMD mula sa dating partido nito na Hukbong ng Pagbabago.
Si Marcos na tumatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay agad na dinala si Duterte-Carpio para maging bise presidente nila matapos na gawing pormal na ang kanilang kandidatura.
Samantala, humingi naman ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresistang dumalo sa hapunan na kanyang inihanda sa Malakanyang na suportahan ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Sen. Bong Go para sa halalan sa susunod na taon.
Pahayag ito ni House Committee on Good Government and Public Accountability chairman Michael Aglipay, na dumalo rin sa naturang dinner nitong Martes ng gabi.
Si Duterte-Carpio ay tatakbo sa pagka-bise pre-sidente, habang si Go naman ay presidential candidate.
Sinabi ni Aglipay, noong Lunes ay may komunikasyon ang Palasyo sa opisina ni House Speaker Lord Allan Velasco para imbitahan ang mga kongresista sa isang dinner sa Malakanyang.
Sa tantya ni Aglipay, nasa 95 kongresista mula sa iba’t ibang mga partido ang pumunta sa naturang dinner at lima naman mula sa listahan ng mga imbitado ang hindi nakapunta. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)