Advertisers
HINILING ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa na rendahan ng gobyerno ang operasyon ng online sabong dahil maraming Pinoy ang lulong sa nabanggit na sugal.
Ipinaabot ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mensahe ng mga Pilipinong nasa Spain na kung maaari ay limitahan ang online sabong operations dahil marami ang nauubos ang pera sa nabanggit na sugal.
Galing si Lorenzana sa Spain at Poland at ilang Filipino community ang nakausap niya at nagpaabot ng mensahe sa Presidente.
Hindi lamang mga Pilipinong nakabase sa iba’t ibang bansa ang nagrereklamo sa online sabong kundi pati na rin ang asawa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa ibang bansa, kasama na rito ang pamilya ng mga seaman dahil nauubos ang sahod at minsan sumasala sa pagpapadala para pamilya.
Ang online sabong ay may permiso mula sa PAGCOR.(Lordeth Bonilla)