Advertisers
Arestado ang isang drug suspek sa ikinasang Oplan Galugad ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis ng Taguig Sub-Station 9, Mobile Patrol Unit (MPU) at Taguig Peace and Order Unit (TPOU) Martes ng gabi.
Umaabot sa tinatayang ₱2.3 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska kagabi sa suspek na kinilalang si Omie Salik y Pinendo, 24 anyos dakong 8:15 gabi sa Road 19, Maguindanao Avenue, New Lower Bicutan, Taguig City.
Nakuha kay Salik ang pitong transparent plastic sachet ng shabu na ₱2,380,000.00, isang timbangan, at ₱5,000.00 sa iba’t ibang different denominations.