Advertisers
CAGAYAN – Naglaan ng P500,000 bilang reward money ang hindi na tinukoy na “concerned citizen” sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa gunmen na pumatay sa isang negosyante at dalawa pang kapatid nito sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Layunin ng pagbibigay ng kalahating milyong pabuya na maging mabilis ang takbo ng imbestigasyon at pagresolba ng kaso sa pagpatay kay Nick Gannaban, 52-anyos at residente ng Brgy. Bagumbayan ng nasabing bayan.
Una rito, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima nang pagbabarilin siya habang nakaupo sa harapan mismo ng kanyang tindahan sa Brgy. Centro 2 ng naturang lugar.
Dalawang kalalakihan na nakasuot ng helmet at facemask ang sangkot sa pamamaril na sakay ng isang itim na motorsiklo ng pagbabarilin ang biktima.
Narekober sa crime scene ang tatlong tatlong spent shell ng cal.45 at 1 deformed slug.
Nabatid na si Nick ay kapatid ng mga naunang pinaslang nitong mga nakaraang taon na sina Brgy. Chairman Orlino Gannaban at Fredo Gannaban.
Nanawagan sila kay PCol Renell Salbadica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO ang mga kaanak ng tatlong biktima bigyan ng pansin nMang mga nagyayaring krimen sa lugar na halos wala umanong nareresolba lalo sa patayan sa lugar.
Kung kayat naalarma ang mga residente sa lugar dahil sa mabagal na aksyon ang kapulisan.(Rey Velasco)