Advertisers
PATAY ang isang vice mayoral aspirant sa Maragondon, Cavite nang barilin ito ng kanyang kaibigan at kapitbahay dahil lamang sa away sa parking Martes ng gabi.
Ang biktima ay nakilalang si Nolito Magallanes, dating vice mayor ng Maragondon mula 2004 – 2007 at muling kumakandidato ngayong darating na eleksyon 2022.
Ang insidente ay nangyari 6:00 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima sa Barangay Bacao II, General Trias.
Ang salarin ay nakilalang si Robert Amoranto, kaibigan at kapitbahay ng biktima.
Ayon sa spot report ng pulisya,ang biktima at ang salarin ay nag-iinuman nang magkasagutan dahil lamang sa nakaparadang kotse ng biktima sa may basketball court.
Wala umanong nakakapaglaro sa basketball court dahil nakaharang sa daan ang kotse ng biktima.
Tumayo ang biktima at umalis, pero sinundan siya ng salarin at binaril sa harap mismo ng kanyang bahay.
Kaagad tumakas ang salarin. Hinahanap siya ngayon ng pulisya.