Advertisers
ARESTADO ang 42-anyos na administrator ng barangay na sangkot sa pagpatay sa empleyado ng DSWD sa Justice Hall sa Marikina City nitong Miyerkoles.
Kinilala ang nadakip na si Reynaldo Mejia, Jr., barangay administrator, ng #215 Malaya St., Brgy., Malanday sa lungsod.
Dakong 3:00 ng hapon ng Nobyembre 17 nang arestuhin ng mga tauhan ng warrant section ang suspek sa ground flr. ng Justice Hall sa Brgy., Sta., Elena, Marikina.
Nauna rito, naglabas ng warrant of arrest si Hon. Acerey C. Pacheco, Presiding Judge ng RTC Branch-165 sa Marikina laban kay Mejia na ‘accessory of the crime murder’ noong October 18 ng taon. (Edwin Moreno)