Advertisers

Advertisers

Lalaki 2 beses naturukan ng Covid-19 vaccines

0 284

Advertisers

ISANG lalaki ang naturukan ng dalawang brand ng Covid-19 vaccine sa loob ng isang araw sa Zamboanga City.

Ayon sa lalaki na hindi na pinangalanan, hindi niya alam ang proseso sa vaccination site kaya nalito siya sa pila ng una at ikalawang turok.

Ayon pa sa ulat, magkaibang brand ang naiturok sa lalaki. Una ang AstraZeneca, at pangalawa ay Sinovac.



Ipinasa niya kasi ang kanyang vaccination card sa isang staff, na naging dahilan para turukan siya ulit.

Ayon sa Zamboanga City Health Office, wala namang naramdamang kakaiba ang lalaki, pero hindi muna siya pinayagang pumasok sa trabaho para masuri.