Advertisers

Advertisers

Seaman pinatay, isinilid sa drum at itinapon sa ilog

0 355

Advertisers

ISANG bangkay na nakasilid sa drum na palutang-lutang ang natagpuan sa Cagayan River sa bahagi ng Maddarulog, Solana, Cagayan Valley.

Kinilala ang biktima na si Rowel Unabia, 32 anyos, dating seaman at residente ng Barangay Maddalero, Buguey, Cagayan.

Ayon kay Haydee, asawa ng biktima, agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya nang mabalitaan ang tungkol sa bangkay na nakita sa isang drum sa ilog.



Sa inisyal na pagsisiyat ng pulisya, nakitang may saksak sa dibdib ang biktima na posibleng sanhi ng kaniyang pagkamatay bago isinilid sa drum saka ipinaanod sa ilog.

Sinabi ni Police Captain Samuel Lopez, hepe ng PNP Solana, nagulat ang mga nakakitang construction worker dahil bangkay ng tao ang tumambad nang buksan nila ang kulay asul na drum na unang nakitang naaanod sa ilog.

Wala namang maisip ang pamilya ng biktima kung sino ang may gawa nito dahil wala naman umano itong kaaway.(REY VELASCO)