Advertisers

Advertisers

Transport leader sa Davao tinodas

0 249

Advertisers

PATAY ang tserman ng isang transport cooperative nang pagbabarilin sa Digos City, Davao del Sur, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ronald Sabandal, tserman ng Digos Padada Transport Cooperative.

Ayon sa Digos Police, huling namataan ang biktima na naglalakad sa highway sa Barangay Aplaya galing sa pinagtatrabahuhan nitong terminal.



Nakarinig ng putok ng baril ang mga residente at nakita nalang nakabulagta ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.