Advertisers
TACLOBAN CITY – Patay ang isang opisyal ng Commission on Election (Comelec) na nakatalaga sa Northern Samar nang tambangan at pagbabarilin sa Barangay Somoge, Catarman nitong Huwebes, Nobyembre 18.
Dead on arrival sa Northern Samar Provincial Hospital ang biktimang si James Diaz Maghanoy, 42 anyos, nakatalaga sa Lope De Vega ng nabanggit na lalawigan bilang election officer, at taga-Brgy. Cawayan, Catarman dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan.
Sa ulat, pauwi na ang biktima mula sa trabaho sakay ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang salarin 5:00 ng hapon. Kaagad tumakas ang mga salarin.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(Mark Obleada)