Advertisers

Advertisers

Hamon kay Duterte: ‘IPAKULONG ANG PRESIDENTIAL CANDIDATE NA ADIK SA COCAINE!’

0 404

Advertisers

HINAMON ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto o ipa-rehab ang presidential candidate na tinutukoy nitong gumagamit umano ng cocaine.

Ayon kay Zarate, dapat na pakasuhan aniya ni Pangulong Duterte ang naturang presidential candidate na dapat na ring mapangalanan, at hindi lamang basta mahinto sa “political innuendo.”

Giit pa ni Zarate, na mahirap din at baka makalusot at manalo pa sa halalan sa sususunod na taon at maging presidente ng bansa ang aniya’y “addict” at “weak leader” na ito.



Kaugnay nito ay inihayag ng kongresista ang kanilang pagsuporta sa panawagan na sumailalim sa voluntary drug test ang mga kakandidato sa pagkapangulo at sa pagka-bise presidente, na isasagawa lamang ng isang independent na laboratoryo.

Sinabi pa ni Zarate, mahalaga rin na mailabas ng mga kakandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa ang totoong halaga ng kanilang mga ari-arian sa pamamagitan ng waiver ng kanilang bank assets at paglabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth. (Josephine Patricio)