Advertisers
Handang sumailalim sa drug testing si Manila Mayor at Presidential aspirant Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sakaling hilingin na magpadrug test ang mga kandidato sa nasabing posisyon….
Ito ang naging pahayag ng alkalde kasunod ng blind item ng Pangulong Rodrigo Duterte na isang Presidential aspirant ang nag-cocaine .
Pero tiniyak ni Moreno na hindi siya ang tinutukoy ng Pangulo dahil siya ay mahirap lamang.
“Ah mahirap lang ako,kahit nga solvent di ako tumikim cocaine pa,”ayon kay Moreno sa ginawa niyang pagbisita sa grupo ng mga magsasaka sa Calauan, Laguna, kahapon ng umaga.
Hindi naman nagkomento pa si Moreno sa iba pang Presidentiables o hinggil sa nasabing isyu dahil siya aniya ay nakafocus sa tao.
“If a President will fight againts drugs, as a matter of policy, then dapat talaga na kami rin… ako I don’t mind. Anytime, lalo na mas maganda nga kung ahensya ng gobyerno, more than sa kusa..ok lang ako basta ako focus lang sa tao,” pahayag pa ng alkalde sa isang panayam matapos ang kanyang pakikipagdayalogo sa mga rice traders, rice millers sa Calauan, Laguna.(Jocelyn Domenden)