Advertisers
NASA balag ng alanganin ngayon ang isang barangay chairman nang dakmain ang dibdib ng kanyang kagawad sa loob mismo ng kanilang opisina sa Santa. Ana, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Joy (hindi tunay na pangalan), 46 anyos, kagawad ng Barangay Parada Batu. Inireklamo niya ng Acts of Lasciviousness at paglabag sa Republic Act 11313 (Safe Spaces Act) ang kanilang kapitan na si Oscar Bumaglag.
Sa reklamo nito sa pulisya, naganap ang insidente sa kanilang opisina 9:48 ng gabi ng Nobyembre 12.
Ayon kay Joy, abala siya sa pag-aayos ng summons form nang lumapit ang kapitan at hinawak-hawakan ang kanyang dibdib.
Paglilinaw ng biktima, wala itong relasyon sa kapitan at tinutupad lamang aniya ang sinumpaang tungkulin bilang kagawad ng barangay.
Kaagad namang tiniyak ng mga awtoridad na isasampa nila ang kaso sa lalong madaling panahon.