Advertisers
NAGKASUNDO ang Metro Manila mayors na ipaubaya sa IATF ang pagdedesisyon ukol sa ipapataw na restriksiyon sa paglabas ng mga menor de edad sa kani-kanilang tahanan.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, pumirma na ng isang resolusyon ang Metro Manila Council na nagsasaad na ibinabalik na sa IATF ang kapangyarihang magpasya sa nasabing isyu.
Nabanggit din ni Zamora ang isang insidente kung saan nagpositibo ang 2-taong gulang na bata matapos nitong pumunta sa mall.
Pahayag ni Zamora, walang sinoman ang makatitiyak kung paano nahawaan ng sakit ang bata at patuloy ang pagsasagawa ng IATF ng karagdagang pag-aaral hinggil sa kaso.
Matatandaang sa unang bahagi ng linggong ito, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga LGUs na limitahan ang pagpapapasok sa mga hindi pa bakunadong menor de edad sa mga mall, upang maprotektahan sila sa COVID-19.