Advertisers

Advertisers

P10.8m marijuana nasamsam sa 2 tulak sa Benguet

0 269

Advertisers

BENGUET – Dalawang drug pusher ang inaresto ng mga tauhan ng ang nalambat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa ikinasang buy-bust operation na ikinasamsam ng ₱10.8 milyong halaga ng marijuana sa Barangay Badiwan, Tuba nitong Huwebes, Nobyembre 18.

Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro ang nadakip na sina Kristofferson Balbin Domogan, 38, at taga-Brgy. Dominican, Baguio City; at Jason Bananao Ewad, 29, at taga-Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Sinabi ni Castro, hindi na nakapalag nina Domogan at Ewad nang dakpin sila ng mga awtoridad nang masamsam sa kanila ang 90 piraso ng dried marijuana bricks na aabot sa 90 kilos at puting kotse na ginamit sa operasyon.



Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020.