Advertisers

Advertisers

Pulis, bgy. tanod sugatan sa banggaan

0 232

Advertisers

SUGATAN ang isang pulis at barangay tanod nang magsalpukan ang sinasakyang motorsiklo, Huwebes ng gabi.

Kapwa sugatan sina Police Corporal Jay Gabriel Orano ng Eastern Police Distrcict at barangay tanod na si Regalado Madlang Awa ng Barangay 430.

Sa ulat, binabaybay ni Orano ang kahabaan ng Lacson Avenue nang biglang tumawid ang motorsiklo ni Madlang Awa.



Ayon sa imbestigasyon ng Barangay 434, mabilis ang takbo ng motorsiklo ng pulis at tinamaan ang harapang gulong ng tanod na tumilapon sa lakas ng pagkakabangga. Sabi ng mga rumesponde, amoy alak ito.

Isinugod naman agad sa ospital ang dalawa.