Advertisers
PINATIBAY ng pormal na kasunduan na malakas na suportahan ang kandidatura ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, itinalaga ang Alliance for Isko Movement (AIM) bilang punong bisig at lakas ng Aksiyon Demokratiko – ang partido politikal na itinatag ng yumaong Senador Raul Roco.
Kamakailan, pinirmahan ni Yorme Isko, presidente ng Aksyon Demokratiko, at Freddie Go, presidente ng AIM ang isang Memorandum of Cooperation sa isang simpleng okasyon sa cityhall na sinaksihan ni Ernest Gamel, chairperson ng Aksyon Demokratiko at chairman ng AIM, Bong Ignacio.
Sumaksi rin sa lagdaan ay iba-ibang opisyal, ko ordinatore at miyembro ng sectoral alliance group.
Inihayag nina Go, Gamel at Ignacio wang todong suporta sa liderato ni Isko at matatag na paninindigan na makakaya nito na pangunahan ang bansa sa hinaharap na krisis sa buhay at ekonomya ng bansa.
“Kami ay naniniwala sa kakayahan, kagalingan at karanasan ni Yorme Isko Moreno bilang isang lider na nararapat lamang na maging Pangulo ng ating bansa,” matatag na pahayag ni Go.
Lubos at mainit na pinasalamatan ni Yorme Isko ang mga opisyal at kasapi ng AIM at hinikayat na palakasin at paramihin ang mga kapanalig na hihikayat na suportahan ang kanyang hangad na manalong pangulo at ang katiket na pangalawang pangulo, Doc Willie Ong at mga kandidatong senador, Dr. Carl Balita, Samira Gutoc at Jopet Sison.
Ibinabandila ng AIM ang programang “Buhay at Kabuhayan” ng Aksyon Demokratiko.
Kamakailan, ang MP Nation – mga koordinator sa 78 lalawigan, 120 siyudad, 1,109 munisipalidad at mahigit na 35,000 barangay na sumusuporta sa kandidatura ni Sen. Manny Pacquiao – ay nagpahayag ng suporta kay Yorme Isko.
Tinatawag ngayon ang MP Nation na IM4P na ang kahulungan ay Isko Moreno 4 President.
Kaalyado na rin ng IM Pilipinas ang Bagong Pnoy, isang grupo itinatag ni dating Undersecretary Tim Orbos na tumulong sa matagumpay na panalo ni dating Pangulong Noynoy Aquino 3rd.
Iba pang sumusuporta sa kandidatura ni Yorme Isko ang grupo sa Cebu na PRIMO-ISKO (President Isko Moreno – Isulong ang Serbisyo sa Katawhan nga Organisado), Kapampangans for Isko, Isko Northern Alliance (INA), Seniors para kay Isko, Isko Tayo Kabataan (ITK), at Cordillera People’s Liberation Army (CPLA).
At ang Pilipinas God First United Bangsamoro Isko for President (PGFUBIP) coalition, Muntinlupa Isko Supporters, Truck Drivers of the Philippines Party List, and the Federation of Quezon City Tricycle Operators and Drivers Association.
Maging ang malalaking pangkat ng manggagawa ay lantad na nagpahayag ng suporta kay Yorme Isko tulad ng Philippine Trade and General Workers Organization (PTGWO) na lakas na mahigit sa 100,000 kasapi; National Association of Trade Unions, All Filipino Workers Confederation, the Association of Minimum Wage Earners and Advocates, at ang 1-Pangarap Pilipinas, at Buhay Kalinga, Pinoy Ako, Isko Tayo Movement na binubuo ng mga doktor, narses at manggagawa sa sektor ng kalusugan.