Advertisers
Nabulag ang isang sarhento nang atakihin ng Kernel ng basag na baso sa kaliwang mata habang nag-iinom sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City.
Kinilala ang biktima na si Police Master Sgt. Ricky Brabante na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 5 at nagpapagaling na sa ospital.
Habang tinukoy naman ang salarin na si Police Col. Dulnoan Dinamling, Jr., na mahaharap sa kasong administratibo.
Naganap ang insidente noon pang Sabado, Nobyembre 12 ngunit naireport lamang noong Lunes.
Samantala, pinaimbestigahan na ni Gen. Dionardo Carlos, hepe ng Philippine National Police (PNP).
“We do not condone any act of violence within the organization as much as we uphold the right of every accuse for due process,” lahad pa ni Carlos.
Tiniyak din ng opisyal na sasagutin ng PNP ang gastusin ni Brabante.
“We maintain the integrity of the investigation giving equal right to both parties involved. Rank may have its privileges but it can never justify abuse of power and drunken misconduct, and PCol Dinamling will have to face the consequences of his actions.”